-- Advertisements --
Itinuloy ng Philippine Red Cross (PRC) ang rehabilitation effort sa Dalupiri Island, Calayan, Cagayan, sa kabila ng mga naitatalang aftershocks mula sa 6.3 magnitude na lindol.
Ayon sa PRC, matapos ang matinding mga pag-ulan, bumalik sila Dalupiri Elementary School para maisaayos at maikabit na ang mga bubong.
Ilang classrooms na ang nakabitan ng bubong matapos masira ng bagyong Egay noong nakaraang buwan.
Itutuloy din ang pagsasaayos ng mga bubong sa Claro Integrated School at Banua-Pilid Integrated School sa mga susunod na araw.
Nakahanda rin ang PRC na sumaklolo kung kakailanganin sa mga lugar na patuloy na nakakaranas ng aftershocks ng lindol.