-- Advertisements --
PRC GORDON SALIVA TEST

Binigyang diin ni Philippine Red Cross (PRC) Chairman at Chief Executive Officer (CEO) Richard Gordon ang kahalagahan ng pagsasanay ng kahit isang first aider sa bawat sambahayan para sa mga emergency situations.

Aniya, ang dahilan kung bakit itinutulak na magkaroon ng first aider sa bawat komunidad, paaralan, at tahanan ay sila ang magsisilbing unang tumugon sa panahon ng mga emergency.

Dagdag ni Gordon, ang iba pang mga paraan ng tulong ay mangangailangan ng oras upang maabot ang lokasyon ng insidente, ngunit kung ang mga first aider ay naninirahan umano sa loob ng komunidad, maaari itong maghatid ng agarang medical attention at maiwasan ang pagkawala ng buhay.

Sa kabilang banda, sinabi ni PRC Secretary-General Dr. Gwen Pang na mahalagang magkaroon ng disiplina sa bawat isa upang maiwasan ang mga aksidente.

Hinimok ng opisyal ang publiko na sundin ang mga pag-iingat sa kaligtasan upang maiwasan ang anumang aksidente na posibleng mangyari.