-- Advertisements --

Pumalo na sa 3,000 ang bilang ng mga gumagaling mula sa pandemic na coronavirus disease (COVID-19) sa Pilipinas.

Batay sa case bulletin ng Department of Health (DOH) nitong hapon, may 68 na bagong naitalang gumaling sa sakit.

Ang total na numero naman ng mga tinamaan ng COVID-19 ay nasa 13,434 na. Bunsod ito ng 213 na bagong na-infect.

Mula sa mga bagong kaso, 98 ang parehong naitala mula sa National Capital Region at Central Luzon. May 17 namang nai-report mula sa iba’t-ibang ibang lugar.

Habang ang total deaths ay nasa 846 dahil sa apat na bagong namatay.

Nasa 9,588 cases ng higit 13,000 total ang aktibo ayon sa DOH.