-- Advertisements --

Muling nakapagtala ang Department of Health (DOH) nang mataas na numero ng mga gumaling mula sa COVID-19.

Batay sa case bulletin na inilabas ng DOH ngayong araw, may 112 na bagong reported na gumaling mula sa sakit kaya ang total ay nasa 1,618 na.

Ito na ang pinakamataas na bilang ng recovery na naireport sa isang araw mula noong Lunes na may 101.

Ang bilang naman ng mga namatay ay nasa 685 bunsod ng 27 na bagong naireport.

Sa pangalawang sunod na araw, nakapagtala pa ang DOH ng higit 300 bagong kumpirmadong kaso ng COVID-19.

Ngayong araw, may nai-report na 339 new confirmed cases.

Ang 205 dito ay galing daw sa Central Visayas; 110 ang sa National Capital Region, habang 24 ang sa iba’t-ibang rehiyon.

May total nang 10,343 ang kaso ng COVID-19 sa bansa mula nang pumutok ang outbreak noong Enero.