-- Advertisements --

Posibleng muling makaranas ang Pilipinas ng parehong war dry months mula Marso hanggang Mayo ng 2025 ayon kay state weather bureau chief Nathaniel Servando.

Bagamat ayon sa state weaather bureau, mayroong ilang mga pag-ulan dala ng inaasahang pagsisimula ng La Niña phenomenon.

Base din aniya sa historical records ang La Nina ay mas malamig kumpara sa El Nino.

Dagdag pa ng opisyal na bagamat ang forecast ng state weather bureau sa warm dry months ay magtatagal lamang ng hanggang 6 na buwan, ang naturang prediction aniya ay binase sa notion na ang pagsisimula ng La Nina ay magtatagal mula Marso hanggang Mayo.

Ipinaliwanag din ng opisyal na hindi pa nakakaranas sa ngayon ang bansa ng heat wave dahil para matawag aniya itong heat wave kailangang ito ay nararanasan ng 3 hanggang 5 araw na magkakasunod at ang temperatura ay dapat na lagpas sa degrees Celsius na mas mataas kumpara sa average temperature para sa isang partikular na buwan.