Pinuri ng United Nations High Commissioner on Refugees (UNHCR) ang efforts ng Pilipinas bilang ‘safe haven’ para sa mga refugees at vulnerable groups na isang magandang ehemplo sa Southeast Asian countries.
Sa isang statement, sinabi ng Philippine Mission sa Geneva na nagbigay pugay si UNHR Filippo Grandi sa ginagawang efforts ng Pilipinas sa refugees sa pakikipagpulong nito kay Department of Justice (DOJ) Secretary Jesus Crispin Remulla sa Geneva, Switzerland.
Binigyang diin din ni Grandi ang pangangailangan ng pagkakaisa ng international community sa pagtugon sa humanitarian challenges at inihayag na makakapagbigay kontribusyon dito ang Pilipinas kaagapay na ang Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).
Iniulat naman ni DOJ chief Remulla ang nagawa ng Pilipinas na mga humanitarian priorities at mga inisyatibo.
Ngayong taon, ayon kay Remulla ay sumang-ayon sa 1961 Statelessness Convention na nagpatibay sa Foundling Act na nagtatag sa inter-agency committee para protektahan ang mga persons o concern at sinimulat ang pilot ng Complementary Pathways program para sa mga Rohingyas.
Maaalala na si Remulla ang nanguna sa delegasyon ng Pilipinas sa Geneva sa Enhanced Interactive Dialogue sa pilipinas sa UN Human Rights Council at sa revalida sa International Covenant on Civil and Political Rights.