-- Advertisements --
image 188

Pinabulaanan ng National Security Council ang akusasyon ng China na ang Pilipinas ay nagpatala ng “foreign forces” upang mag-udyok ng gulo sa pinagtatalunang West Philippine Sea.

Bagama’t hindi tinukoy ng China ang umano’y “foreign forces,” nagsagawa ng tactical exercises ang Estados Unidos sa Pilipinas nitong linggo.

Sinabi ni National Security Adviser Eduardo Año na ang Pilipinas ay may likas at sovereing rights na magsagawa ng magkasanib na air at naval patrol kasama ang mga kaalyado nito upang matiyak ang seguridad at katatagan ng rehiyon.

Ayon kay Año , ang joint patrols na isinagawa ng Pilipinas kasama ang United States ay nasa loob ng mga karapatan bilang isang sovereign nation at alinsunod sa international law, ang RP-US Mutual Defense Treaty, at ang Visiting Forces Agreement.

Pinabulaanan din niya ang pag-aangkin ng China na ito ay nag-uudyok ng gulo sa rehiyon, na tinawag itong walang batayan.

Kaugnay nito ay sinabi ng Armed Forces of the Philippines na ang pinagsamang maritime at air patrols nito kasama ang mga US troops sa West Philippine Sea ay isang tagumpay sa kabila ng pambubuntot ng isang barkong pandigma ng China.