-- Advertisements --

Isang 30-taong-gulang na babae na kinilala na si Sherra (Sarah) de Juan, ang iniulat na nawawala simula noong Disyembre 10, 2025, ilang araw bago ang kanyang nakatakdang kasal sa Disyembre 14.

Ayon sa kanyang kasintahan na si Mark Arjay Reyes, huling nakita si de Juan sa isang gasolinahan sa Atherton sa North Fairview bandang ala-1:37 ng hapon, na suot ang itim na pantalon, jacket, at kamiseta, at may dalang tumbler at coin purse.

Nag-alok si Reyes ng P20,000 pabuya para sa makakatulong na impormasyon ukol sa kinaroroonan ni de Juan at humingi ng tulong mula sa publiko.

Ayon sa kanya, Ito ay aniya ay isang napakahalagang oras para sa kanila at sa kanilang pamilya.

Ang sinumang may impormasyon ay hinihikayat na tumawag sa mga numerong: 0967-1270-266, 0917-8368-166, o 0912-3353-694.