-- Advertisements --
POL

Pumanaw na ang bronze medalist ng Pilipinas sa 1988 Summer Olympics na si Leopoldo Serantes sa edad na 59-anyos.

Ito ang kinumpirma ng Philippine Sports Commission (PSC).

Nasungkit ni Serantes ang bronze medal sa 1988 Olympics sa Seoul, South Korea gayundin ang gold medals sa 1985 at 1987 Southeast Asian Games sa light flyweight division.

Ang taga-Bicol na si Serantes ay una nang napaulat na dumaranas ng chronic obstructive pulmonary disease (COPD) habang naka-confine at sa Veterans Memorial Medical Center.

POL 2

Noong nakaraang buwan lamang ay tinulungan pa siya ng sports patron na si Ronald MascariƱas na bibigyan ng monthly allowance na P100,000 dahil sa kanyang serbisyo at pagbibigay karangalan sa bansa.

-- Advertisement --