-- Advertisements --

Kinumpirma ng pamunuan ng Philippine Navy na kanila ng natanggap ang kanilang na procured na surface-to-air missiles para sa dalawang brandnew frigates nito.

Ayon sa Philippine Navy ang mga nasabing surface-to-air missiles ay naideliver sa Subic Bay International Airport sa Bataan nuong Biyernes, October 8,2021.

Ayon kay Navy Spokesperson Cdr. Benjo Negranza, ang procurment at delivery ng Mistral SAMs ay bahagi ng Philippine Navy Frigate Acquisition Project na inaward sa MBDA Missile Systems na naka base sa bansang France.

Ang Surface-to-air missiles ay siyang primary weapons ng FF150 (BRP Jose Rizal) at FF151 (BRP Antonio Luna) para mapalakas pa ang anti-air warfare capability nito.

Sinabi ni Negranza, ang pagdating ng mga nasabing missiles ay malaking tulong sa kanilang frigate lalo na sa pagsasagawa ng maritime operations.