-- Advertisements --

Umakyat na ang Pilipinas sa pang-19 na puwesto sa buong mundo kung pagbabasehan ang dami ng bilang ng mga dinapuan ng COVID-19.

Ito ay makaraang ilabas kahapon ng DOH ang panibagaong bilang ng mga nahawa na umaabot sa 2,291.

Ayon naman sa US-based Johns Hopkins University ang Pilipinas lamang daw ang tanging Southeast Asian country na nasa Top 20 countries.

Nalampasan ng Pilipinas ang bansang Turkey dahil sa kabuuang 324,762 COVID cases.
Nilinaw naman ng DOH na ang 87 panibagong nakarekober at 64 na bagong nailista na namatay sa coronavirus kung saan ang kalahati sa mga ito ay noong nakalipas na buwan ng Setyembre.

Sa ngayon ayon sa DOH nasa 45,799 ang active cases sa bansa, ang mga nakarekober naman mula sa COVID ay nasa 273,123 at ang death toll ay umakyat na sa 5,840.