-- Advertisements --

Nangako ng patuloy na suporta ang Pilipinas sa panawagan ng United Nations High Commissioner for Refugees (UNHCR) para sa pagtutulungna na maabot ang tagumpay sa global humanitarian agenda.

Sa pagpupulong ng UNHCR sa Geneva, Switzerland, sinabi ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na hindi lamang dapat nakasentro ang global humanitarian agenda sa mga tao kundi maging sa kapakanan, kalusugan, kabuhayan at basic human dignity ng bawat isakasabay ng paggiit sa pangangailangan ng agarang aksiyon para matugunan ang panganib na ma-displaced ang vulnerable sectors kabilang ang mga kababaihan, mga bata at mga indibidwal na may special needs.

Nanawagan din si Remulla sa pantay na pagbibigay ng atensiyon sa iba’t ibang krisis sa iba’t ibang rehiyon para matiyak na walang refugees ang mapagiiwanan.

Isinulong din ng Justice Chief sa UNHCR ang usapin sa pagbibigay ng sapat na suporta para sa lahat ng hosting communities at ma-divert ang limitadong sources para masuportahan ang mga nangangailangan.

Ibinahagi din ni Remulla ang panwagan ng Pangulong Bongbong Marcos sa UN General Assembly para sa international system na dapat na suportahan ang mga vulnerable lalo na ang marginalized, migrants at refugees.