new clark city stadium
New Clark

CAPAS, Tarlac – Sa loob ng 13.97 seconds ay nagkampeyon ang isa pang Pinoy athlete sa 100 meters hurdles sa Southeast Asian (SEA) Games na ginaganap sa Athletic Stadium sa New Clark City sa Capas, Tarlac.

Ang 13.97 na record ni Clinton Kingsley Bautista ay ang kanyang seasons best sa event.

Nakamit naman ni Rayzam Shah Wan Sofian mula Malaysia ang silver medal.

Bronze medal ang iuuwi sa Laos ni Anousone Xaysa na nakapagtala ng 13.99 seconds.

May isa pang Pinoy na kasali sa event pero hindi pinalad at pang-pito lang sa sporting event.

Ang atleta ay si Alvin John Kaw Boon Vergel.