Lumalabas sa report mula sa United Nations na nakikitang mag-aangkat ng mas maraming dairy products ang Pilipinas ngayong taon dahil sa inaasahang pagtaas ng demand at food processing industry sa naturang mga produkto.
Ayon sa Food and Agriculture Organization (FAO) ng UN, inaasahang bibili ang bansa ng nasa 2.9 million tonelada ng dairy products ngayong 2023.
Ito may pagtaas ng 2.2% mula sa 2.8 milyon tonelada na inaangkat kada taon.
Sinabi din ng UN food agency na posibleng umabot sa 85 million tonelada ng gatas ang aangkatin sa global scale dahil narin sa inaasahang pagtaas sa import demand mula sa Algeria, Mexico, Australia, Indonesia, Saudi Arabia at Pilipinas.
Ang mataas din aniya na demand ng imported na dairy products sa Central America, North Africa , Middle East at Southeast Asia ay siyang mag-ooffset sa import contraction sa China na siyang largest dairy importer sa buong mundo gayundin sa European Union, Malaysia at Vietnam.