-- Advertisements --
image 548

Inamin ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na nakakaranas ng krisis sa tubig ang Pilipinas .

Sa pagdalo ng punong ehekutibo sa ika-6 na edisyon ng Water Conference and Exposition, binanggit ng Pangulo ang ilang mga hakbang para matugunan ang problema sa tubig.

Kabilang dito ang pagkakaroon ng ‘stratagems’ para sa water treatment at flood control pojects na kailangang maidala sa grassroots level dahil sa krisis sa tubig sa bansa.

Ikinagulat din aniya ng Pangulo na sa nakalipas na mga taon wala aniya sa mga Senador maging mga Gobernador ang nagsasalita kaugnay sa problema sa tubig kung saan ilang urban at rural communities sa bansa ang nakakaranas ng krisis sa bansa.

Naniniwala ang Pangulo na hindi napagtutuunan ng pansin o nasusuri ng pamahalaan ang krisis sa tubig.

Ayon pa sa Pangulo na mayroong epekto ang problema sa tubig pagdating sa suplay ng pagkain at ipinunto ang kahalagahan ng irigasyon sa sektor ng agrikultura.

Kaugnay nito, inihayag ng Pangulo na kaniyang nilagdaan ang isang executove order na lilikha sa Office of Water Management na layong mapangasiwaan ang resources ng tubig sa bansa at matugunan ang kasalukuyang mga hamon sa kalikasan.