-- Advertisements --
pbbmarcos1

Nag-alok ang gobyerno ng Pilipinas ng tulong para sa transportasyon ng mga ASEAN national na naiipit sa war-torn territory na Gaza sa pamamagitan ng pagtawid sa Rafah border sa oras na buksan na ito.

Ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. may maraming mga Thai national, Vietnamese at iba pa na na-trap kung saan marami din aniya ang presensiya ng mga Pilipinong nasa nasabing teritoryo.

Ayon pa kay Pangulong Marcos, may mga bus na nakahanda sa labas ng Rafah crossing habang ang naka-standby naman ang Philippine Embassy sa Cairo, Egypt.

Una na ngang pansamantalang binuksan ang naturang border noong nakalipas na buwan para payagan ang convoy ng trucks na magdadala ng mga tulong para makapasok sa Gaza.