pentathlon

SUBIC, Zambales – Nasungkit ni Samuel German ang silver medal para sa Modern Pentathlon Men’s Beach Laser Individual sa nagpapatuloy na 2019 Southeast Asian Games sa Subic, Zambales.

Hindi nagpaawat ang mga atleta para manguna hanggang humantong sa punto na gitgitan na sa huling yugto ng laro.

Nanguna ang Indonesia sa katauhan ni Taufic Muhammad para sa gold medal habang bronze medal naman kay Ong Ming Marcus ng Singapore.

Hindi pinalad ang kasama ni German na kapwa Pinoy na si Michael Anton Comaling na makasungkit ng medalya.

Samantala, sa women’s division ng Modern Pentathlon Women’s Beach Laser Individual, natalo rin ang pambato ng bansa na sina Princess Honey Arbilon at Ivy Claire Dinoy.

Gold medalist ang Indonesia, silver medal ang nakuha ng Thailand habang bronze medal ang Singapore. (Story by Bombo Frammy Sabado)