Handang mamagitan ang Philippine Medical Association (PMA) sa hidwaan ng singer na si Yeng Constantino at kanilang miyembro na si Dr. Esterlina Tan.

Sinabi ni PMA spokesperson at PMA Commission on Ethics chairman Dr. Bu C. Castro, na maaari silang maging daan para makapag-ayos ang dalawa.

Magugunitang naglabas na ng warrant of arrest si Presiding Judge Cesar Bordalba ng RTC Branch 31 ng Dapa, Surigao del Norte dahil sa kasong cybercrime.

Nagbunsod ang kaso ng mag-Facebook live ang singer matapos na maaksidente ang asawa nito sa paglalangoy sa Siargao Island kung saan binatikos ang doktora dahil umano sa hindi pag-asisako sa kaniyang asawa noong 2019.