-- Advertisements --

Tinatayang mananatili pa ring numero uno sa pag-aangkat ng bigas ngayong taon ang Pilipinas base sa report ng United States’ Department of Agriculture (USDA).

Ito ay kasunod ng pagsipa ng lokal na presyo ng bigas o rice inflation sa 14-year high na naitala noong Disyembre 2023.

Sa report ng Economic Research Service ng USDA, nagpapakita na ang PH ay mag-aangkat ng tinatayang 3.8 million metrikong tonelada ng bigas ngayong taon matapls iulat ng Bureau of Plant Industry na nasa 3.22 million MT ng bigas ang inangkat ng bansa mula January 1 hanggang Dec. 22, 2023.

Sunod naman dito ang China, Indonesia, European Union, Nigeria, at Iraq.

Ayon sa USDA, karaniwan sa pinagmumulan ng mga inaangkat na bigas ng PH ngayong taon ay mula sa Vietnam na patuloy na isa sa pangunahing pinagkukunan ng rice imports.