Makakatanggap ang Pilipinas ng P111.5 million grant mula sa United States at South Korea para mapabuti ang climate change at natural disaster resiliency programs nito.
Sa isang pahayag, sinabi ng US Embassy sa Pilipinas na nilagdaan nito ang grant deal sa pagitan ng US Agency for International Development (USAID) at Korea International Cooperation Agency (KOICA).
Susuportahan ng nito ang pagpapatupad ng limang taon na nagkakahalaga ng P836.5 milyon na Climate Resilient Cities Project na tutulong sa mga katuwang na lungsod ng Batangas, Borongan, Cotabato, Iloilo, Legazpi, at Zamboanga.
Sinabi ng Country Director ng Korea International Cooperation Agency na si Eunsub Kim, dahil ang Estados Unidos at Korea ay kabilang sa pinakamalaking bilateral na donor sa Pilipinas, ang napakahalagang partnership na ito ng mga ahensya at ng gobyerno ng Pilipinas ay magsasama-samang naipon na karanasan at technical expertise upang bumuo ng climate change at disaster resilience sa bansa.
Ang technical assistance ng nasabing ahensya, ayon sa embahada, ay magpapalakas sa kapasidad ng mga local government units na bumuo ng mga guidelines sa paggamit ng climate adaptation technology.
Una na rito, may 180 opisyal at stakeholder ng Pilipinas ang iimbitahan na makilahok sa mga capacity building programs na inorganisa sa Pilipinas at Korea.