Mismong si Agriculture Sec. Manny Piñol na ang nagbigay ng sigurdad sa publiko na walang kaso ng African swine fever dito sa Pilipinas.

Sa isang panayam sinabi ni Piñol na nananatiling ligtas ang mga baboy sa bansa sa kabila ng banta mula sa mga kalapit na estado na tinamaan na ng naturang sakit.

Dagdag pa ng kalihim, matagal ng binabantayan ng kanilang hanay at iba pang ahesya ang galaw ng mga pumapasok na karne ng baboy sa Pilipinas mula ng pumutok ang ASF.

Sa kabila nito hihingi pa rin daw ng dagdag na pondo ang DA para sa mga dagdag ding X-ray machines sa bawat paliparan.

Kaugnay nito, hinimok ng kalihim ang mga lokal na magba-baboy na damihan pa ang kanilang produksyon sa meat products.

Ito’y para hindi rin umano maubusan ng stock ng mga karne sa pamilihan dahil sa ipinatutupad na import ban.