-- Advertisements --
image 738

Maaari pa ring maabot ng Pilipinas ang target na paglago ng ekonomiya ngayong taon.

Ayon kay National Economic and Development Authority (NEDA) Secretary Arsenio Balisacan, kayang maabot ng bansa na maibaba sa 6% hanggang 7% na target na paglago ngayong 2023 kapag napataas ang government spending sa ikatlo at huling quarter.

Aniya, ang pagbagal ng ekonomiya noong ikalawang quarter sa 4.3% sa gitna ng inflation at interest rates ay maaaring ma-offset sa pamamagitan ng mas agresibong fiscal spending sa ikatlong kwarter.

Ayon pa kay Balisacan, inaasahang magpapatuloy na lalago ang ekonomiya bunsod ng domestic demand.

Inamin naman ng opisyal na ang inflation o bilis at bagal ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin, ang nananatiling pangunahing isyu sa Pilipinas.

Inaasahan din na babagal ang rice inflation ngayong Setyembre matapos ngang ipatupad ng pamahalaan ang price cap sa dalawang klase ng bigas na madalas na binibili ng mga consumer.