Inulan ng kabi-kabilang reaksyon ang panibagong pahayag ni Foreign Affairs Sec. Teddyboy Locsin Jr. hinggil sa posibilidad na kumalas ang Pilipinas bilang miyembro ng United Nations Human Rights Council (UNHRC).
Ito’y kasunod ng inaprubahang resolusyon ng Iceland na nagpapasuri sa human rights cases at war on drugs campaign ng pamahalaan.
“No embassy in Iceland. Nor does Iceland have an embassy here. Iceland took the place of the US after it withdrew from the Human Rights Council. I think we need to follow America more,” ani Locsin sa isang Twitter post.
Ayon kay Sen. Francis Tolentino hindi makatwiran ang pangingialam ng UNHRC dahil matagal na raw bias ilang miyembro nito laban sa administrasyon.
Kinontra naman ito ng tagapagsalita ni Vice Pres. Leni Robredo na si Atty. Barry Gutierrez at pinayuhan ang gobyerno na hayaang mag-imbestiga ang UN kung wala naman talagang itinatagong paglabag.
“If the finding is negative, that there are mistakes in the drug war, (the Council) will give recommendations. And if the government still refuses to acknowledge these, (the UN) will likely impose sanctions on us,” ani Gutierrez.
Pero para kay Sen. Panfilo Locsin dapat sundin ng pamahalaan ang pagsusumite ng komprehensibong report sa UN nang hindi na ito pinag-iinitan ng konseho.
Sa panayam ng Bombo Radyo iginiit ni Commission on Human Rights spokesperson Atty. Jacqueline de Guia na hindi lamang interes ng pamahalaan ang nakataya sa usapin ng karapatang pantao.
“Maganda na intindihin natin yung perspektibo na human rights is a matter of international concern. Yung naging botohan is an indication of the growing concern over the situation in the country. Hindi (naman) nila sinasabi na mayroon ng extrajudicial killings. Pagkakataon ito para malaman nating kung totoo ang alegasyon,” ani De Guia.