-- Advertisements --

Kabilang ang Pilipinas sa most-disaste-prone country sa loob na ng 13 taon.

Kung saan ang bansa ang ika-9 na pinaka-prone pagdating sa lindol sa buong mundo na nakaranas ng 581 lindol noong 2023 lamang base sa UK research.

Dahil nasa Pacific Ring of Fire ang PH, natural na prone ito sa seismic activity.

Sa pagtaya nga ng Phivolcs, nakakaranas ang bansa ng tinatyaang 100 hanggang 150 lindol kada taon.

Base nga sa pag-aaral ng UK based business consultancy company na Utility Bidder, ilan sa pinakamapaminsalang lindol na tumama sa bansa ang magnitude 7.4 na lindol sa Hinatuan sa Surigao Del Sur noong Disyembre 2, 2023 na nagdulot ng mahigit 6,500 aftershocks at kumitil ng 3 katao.