Sumali ang Pilipinas sa 95 bansa na lumagda ng isang international declaration na anglalayong wakasan ang global plastic pollution.
Ang naturang declaration ay tinawag na “Nice Call for an Ambitious Treaty on Plastic Pollution,” na inilunsad noong Hunyo 10 sa ikalawang araw ng United Nations Ocean Conference sa Nice, France.
Layunin ng dokumentong ito ang pagtatakda ng “global target” para mabawasan ang produksyon at paggamit ng mga pangunahing plastic polymers.
kabilang din dito ang paghingi ng obligasyon ng mga kasaping bansa upang unti-unting maalis ang mga problema ng plastic products at chemicals, pati na rin ang pagpapabuti ng mga disenyo ng mga plastic upang mabawasan ang apekto nito sa kalikasan.
Ayon kay Agnès Pannier-Runacher, French Minister for Ecological Transition, ang hakbang ay isang matagumpay na declaration bago magsimula ang negosasyon para sa ”end to plastic pollution” na gaganapin sa Geneva sa Agosto 5 hanggang 14, 2025.
Magugunita na noong Marso 2022, nagpasa ang United Nations Environment Assembly ng isang resolusyon para sa isang global treaty na tutugon sa buong lifecycle ng plastik.
Kasama sa mga sumusuportang bansa ang Pilipinas at iba pang mga bansa mula sa iba’t ibang kontinente, na nagpapakita ng sama-samang hangarin na labanan ang polusyon ng plastik sa buong mundo.