-- Advertisements --

Inimbitahan daw ang Pilipinas na sumali sa malawakang clinical trial ng isang pinag-aaralang bakuna laban sa COVID-19.

Ayon kay Health Sec. Francisco Duque, pinadalhan sila ng imbitasyon ng Chinese pharmaceutical company na Sinopharm Group na sumali sa nasabing trial.

May na-develop na raw kasing vaccine ang naturang kampanya, na pinaka-malakaing pharmaceutical firm sa China.

“Meron na pong sulat sa atin ang China, nag-alok na isama tayo sa kanilang global clinical trial for their newly developed vaccine,” ani Duque sa Senate hearing nitong hapon.

“Meron na po silang na-develop na vaccine e, pero ito po ay kinakailangang sumailalim sa mga clinical trials para masiguro po ang safety and efficacy.”

Una nang sumali ang Pilipinas sa Solidarity trial ng World Health Organization, at clinical trial ng Japanese anti-flu drug na “Avigan.”