-- Advertisements --
OFWs SaudiArabia
FILE PHOTO: Repatriated Overseas Filipino Workers or OFWs arrive at an airport after being allowed to go home following weeks of quarantine amid the spread of the coronavirus disease (COVID-19), in Pasay City, Metro Manila, Philippines May 26, 2020. REUTERS/Eloisa Lopez

Inilagay na ang Pilipinas sa green list ng France.

Ibig sabihin pinapayagan na ang mga fully vaccinated na Pilipino na makapasok sa naturang bansa ng wala ng mga restriksyon.

Kailangan lamang magpresenta ng mga bakunadong biyahero mula sa Pilipinas ng patunay ng kanilang vaccine status kapag babiyahe patungong France.

Subalit para sa mga hindi pa bakunado ayon sa Embahada ng France na kailangan lamang ng negatibong resulta ng RT-PCR test less than 72 oras bago umalis sa pinanggalingang bansa o antigen test less than 48 hours bago ang departure.

Para naman sa mga nagpositibo sa PCR o antigen test ng hindi hihigit sa 11 araw at less than 6 months bago ang deprture ay kailangang magpresenta ng recovery certificate.

Ayon sa embahada, ang mga bata na 12 anyos pababa ay exempted mula sa naturang mga requirements.

Hindi naman applicable ang naturang mga travel requirements para sa mga residente na babiyahe sa cross-border areas, work-related trips na urgent at trips ng hauliers na work related.