Nakatakda ng ilabas ng Pilipinas ang isang mataas na kalidad na produkto ng bigas na nakahanda nang pumasok sa pandaigdigang pamilihan.
Ayon sa Philippine Rice Institute (PhilRice), ang naturang sariling brand ng bigad ng Pilipinas ay tatawaging “lakambini”
Sinabi ni PhilRice Development Communication Division Head Hazel Antonio na gagawa sila ng mataas na kalidad na bigas na kapantay ng iba pang kilalang produkto ng bigas sa pandaigdigang pamilihan tulad ng Japanese rice o Jasmine rice ng Thailand.
Sa kasalukuyan, ang PhilRice, isang attached agency ng Department of Agriculture (DA, ay nagpo-promote ng bigas ng Pilipinas sa lokal na merkado, na humihimok sa mga mamimili na pumili ng bigas na gawa sa lokal kaysa sa mga produktong inangkat na bigas.
Sinabi ni Antonio na kanilang isinusulong ang Philippine rice o lahat ng uri ng bigas na gawa sa lokal.
Ayon naman kay PhilRice Deputy Executive Director Karen Barroga, mayroon na ngayong “premium rice” ang bansa na tinatawag na NSIC Rc 160 na nakatakdang maging tatak ng bigas ng Pilipinas.
Giit ni Antonio na ilulunsad nila ito bilang Lakambini rice sa lalong madaling panahon.