Siniguro ng Philippine Embassy sa Tokyo na mas palalakasin pa nito ang kanilang kapasidad na mag-proseso ng mga passports sa oras na bahagyang maging maayos na ang kalagayan ng Japan bunsod ng coronavirus pandemic.
Ayon kay Deputy Chief of Mission Robespierre Bolivar, mas paiigtingin pa ng Japan ang kanilang serbisyo para sa mga passport applicants hanggang sa magbalik na sa pre-pandemic ang lahat.
Labis naman ang pasasalamat nito sa publiko sa walang humapy na pasensya at pag-intindi na kanilang binibigay sa ahensya.
Una nang tumanggap ang embahada ng walk-in applicants ngunit binalik ito sa appointment-only system makaraang tanggalin ng Japan ang coronavirus state of emergeny nito noong May 2020.
Ang hakbang aniya na ito ay upang tiyakin ang kapakanan at kalusugan ng mga aplikante at empleyado ng embahada kasabay ng pagbibigay ng consular service sa gitna ng pandemya.
Sa ngayon ay aabot na ng 1,400 passport applicants kada buwan ang sineserbisyuhan ng embahada.
Mayroong limited at semi-enclosed space sa consular area ng embahada para mapanatili ang health protocols sa loob ng kanilang pasilidad. Natukoy din ng embahada kung ilang aplikante lamang ang kanilang tatanggapin araw-araw.
Nagpaalala naman si Bolivar na nagbibigay din ng karagdagang serbisyo ang embahada, tulad ng pagpapalawig sa validity ng mga passports at para rin sa mga aplikante na nangangailangan ng tulong dahil sa medical emergencies.
Ginawa ni Bolivar ang pahayag na ito matapos makarating kay Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr., na mayroon pang halos kalahating taon na backlog sa mga application ang naturang embahada.
Hinikiyat din ni Bolivar ang publiko na huwag gumawa ng double appointments sa Philippine Embassyt at Consulates General sa Japan.
Bukod sa Japan ay nagtala rin ang Philippine Embassy sa Washington D.C ng biglang pagtaas ng demand para sa dual citizenship, passport at visa services.