-- Advertisements --
image 130

Inihayag ng embahada ng Pilipinas sa Tel Aviv na mariing inirerekumenda ang indefenite suspension sa lahat ng paglalakbay sa Israel sa gitna ng patuloy na labanan.

Binanggit ng embahada ang pabagu-bagong sitwasyon ng seguridad sa bansa sa Gitnang Silangan at ang mga biyahe ay dapat na ipagpaliban nang walang katiyakan “o hanggang sa oras na ang sitwasyon ay maging maaayos at matatag.

Ang pangunahing international gateway ng Israel, ang Ben Gurion International Airport, ay kasalukuyang nananatiling bukas at nagpapatuloy ang paglalakbay sa pagitan ng Pilipinas at Israel.

Ang mga may kumpirmadong flight, gayunpaman, ay pinapayuhan na suriin sa kanilang travel agency para sa mga posibleng pagkansela ng kanilang mga flights.

Matatandaan na ang Israel ay pormal na nagdeklara ng digmaan sa Palestinian militant group na Hamas matapos ang pag-atake noong weekend.

Libu-libo ang nasugatan mula sa magkabilang panig, habang sinasabing hawak ng Hamas ang mahigit 100 hostage ng Israeli.

Una nang sinabi ni Consul General at Deputy Chief of Mission Anthony Mandap na bineberipika na ng mga awtoridad ang mga ulat na kabilang ang mga Pilipino sa mga na-hostage ng Hamas.