-- Advertisements --

Naniniwala ang ASEAN Macroeconomic Research Office (AMRO) na mabilis na makakabawi ang ekonomiya ng Pilipinas, sa oras na magbukas na muli ang kalakalan.

Ayon kay AMRO Chief Economist Dr. Hoe Ee Khor, ikinokonsidera nila ang Pilipinas bilang isa sa may malaking potensyal sa Asian region dahil sa pagiging service-oriented nito.

Gayunman, nauunawaan umano nila ang maingat na pagtatanggal ng quarantine restrictions ng gobyerno, bilang parte ng pag-iingat para sa kalagayan ng mga mamamayan.

Sa kasalukuyan, ang ating bansa na ang may “longest lockdown” na mag-iisang taon na sa buwan ng Marso.