-- Advertisements --
image 645

Dapat magsampa ng panibagong kaso ang Pilipinas laban sa China dahil sa paglalagay nito ng mga barriers sa Bajo de Masinloc, na tinatawag ding Scarborough Shoal, sa West Philippine Sea.

Ang pahayag ay binigyang diin ni dating Solicitor General Francis Jardeleza.

Sinabi ng Philippine Coast Guard na natuklasan nila ang 300-meter-long barrier sa lugar na pumipigil sa mga mangingisdang Pilipino na makapasok sa tradisyonal na pangisdaan.

Sinabi ni Jardeleza na ang pinakabagong aksyon ng Beijing ay ganap na ilegal.

Iminungkahi niya na ang Office of the Solicitor General ay muling magsampa ng kaso laban sa China sa Permanent Court of Arbitration sa The Hague.

Aniya, walang sinuman ang may eksklusibong karapatan sa lugar ng pangingisda ng Scarborough Shoal.

Ang gobyerno, ani Jardeleza, ay dapat ding magsampa ng kaso sa mga pinsala dahil sa kamakailang umano’y mapanirang aktibidad ng China na nakakaapekto sa kapaligiran at mga corals sa bahagi ng West Philippine Sea.

Naniniwala si Jardeleza na ang pagsasampa ng bagong kaso laban sa China ay hindi magpapapahina sa tagumpay ng bansa.