-- Advertisements --
Pumalo na sa 11,086 ang kabuuang bilang ng COVID-19 cases sa bansa, ayon sa Department of Health (DOH).
Batay sa pinakabagong case bulletin ng ahensya, may 292 na bagong naitalang nag-positibo sa sakit.
Ang 162 daw sa kanila ay nai-record mula sa National Capital Region; 74 ang mula Central Visayas; habang 56 ang sa iba’t-ibang lugar.
Nasa 1,999 naman na ang mga gumaling dahil sa 75 na bagong recoveries.
Habang ang mga namatay ay nasa 726, bunsod ng apat na bagong naitalang deaths.