-- Advertisements --

Pumalo na sa 13,221 ang kabuuang bilang ng confirmed COVID-19 cases sa Pilipinas ayon sa Department of Health (DOH).

Batay sa case bulletin ng ahensya, may 279 na bagong tinamaan ng naturang sakit.

Ang 150 ay naitala mula National Capital Region; 14 sa Central Luzon; habang 115 ang reported mula sa iba’t-ibang rehiyon.

Mula sa total na bilang ng mga kaso, may 9,447 na active case.

Nasa 2,932 naman na ang kabuuang bilang ng mga gumaling dahil sa 89 new recoveries.

Habang ang total deaths ay 842, bunsod ng limang bagong namatay.