-- Advertisements --
Pumalo na sa 10,794 ang kabuuang bilang ng mga confirmed COVID-19 cases sa bansa, ayon sa Department of Health (DOH).
Batay sa case bulletin na inilabas ng ahensya nitong hapon, may 184 na bagong nag-positibo mula sa sakit.
Ang 77 raw sa kanila ay naitala sa Metro Manila; 75 ang mula sa Central Visayas; habang 32 ang sa iba’t-ibang lugar.
May 82 pasyente naman ang gumaling na nagpaakyat pa sa total recoveries ng COVID-19 na 1,924.
Habang ang bilang ng mga namamatay ay nasa 719 na dahil sa 15 new deaths.