-- Advertisements --

Nakapagtala muli ang Department of Health ng pinakamataas na bilang ng gumaling sa isang araw, kaya pumalo na sa 1,734 ang total recoveries.

Batay sa case bulletin ng DOH ngayong araw, may 116 na bagong gumaling sa sakit. Mas mataas ito sa bilang ng recoveries na nai-report kahapon.

Ang bilang naman ng mga namatay ay nasa 696 dahil sa 11 na bagong deaths.

Habang ang total number of confirmed cases ay nasa 10,463 na bunsod ng 120 na mga bagong nag-positibo.

Mula sa mga bagong kaso, 84 ang mula National Capital Region; 28 ang galing sa Central Visayas, habang walo ang sa iba’t-ibang lugar.