-- Advertisements --

MANILA – Suling sumirit sa 2,048 ang bilang ng mga bagong tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, ayon sa Department of Health (DOH).

Dahil dito, umakyat na sa 496,646 ang total ng confirmed cases sa bansa. Hindi pa raw kasali sa ulat ang report ng isang laboratoryo na bigong makapag-submit ng datos kahapon.

“1 lab was not able to submit its data to the COVID-19 Data Repository System (CDRS) on January 14, 2021.”

Ang lalawigan ng Bulacan naman ang nangunguna ngayon sa listahan ng mga lugar na may pinakamataas na kaso ng COVID-19 na umabot sa 98.

Sumunod ang Davao City (89), Pangasinan (84), Maynila (80), at Leyte (73).

Nasa 27,033 pa ang mga nagpapagaling na pasyente o active cases.

Mula sa kanila, 84.5% ang nasa mild na kondisyon. May 7.4% naman na asymptomatic, 2.8% na severe, at 4.9% na critical cases. Mayroon namang 0.42% na moderate cases.

Nadagdagan pa ng 551 ang total recoveries na umaabot na ngayon ng 459,737.

Habang 137 ang bilang ng bagong death cases, kaya umakyat pa ang total sa 9,876.

“7 duplicates were removed from the total case count. Of these, 3 were recovered cases.”

“Moreover, 63 cases that were previously tagged as recovered were reclassified as deaths after final validation.”