-- Advertisements --
Nasa halos 13,000 na ang total na bilang ng COVID-19 cases sa bansa, ayon sa Department of Health (DOH).
Batay sa case bulletin ng ahensya, may 224 na bagong nag-positibo sa sakit. Kaya ang total ay nasa 12,942 na.
Ang 174 sa mga bagong kaso ay mula sa National Capital Region; 33 mula sa iba’t-ibang rehiyon; at pito sa Central Visayas.
Nasa 2,843 naman na ang gumaling na pasyente ng COVID-19, dahil sa 114 new recoveries.
Samantalang ang total deaths ay nasa 837, bunsod ng anim na bagong namatay.