-- Advertisements --
PCG

Ini-activate na ng Philippine Coast Guard (PCG) ang kanilang search and rescue (SAR) Taiwanese-flagged fishing vessel na SHENG FENG NO. 128.
Kasama sa ipinadala ng coast guard ang air at floating assets sa katubigang sakop ng Pilipinas.
Ang hakbang ng PCG ay ginawa matapos makatanggap ng request na tulong mula kay Taiwan Coast Guard Attaché, Commander Arthur Yang ukol sa nawawalang vessel na may lulang Taiwanese at limang Indonesian na mangingisdang on board.
Kabilang sa inalerto ng PCG ang kanilang mga tauhan sa Coast Guard District sa Easter Visayas, Bicol, Southeastern Mindanao, Northeastern Mindanao at and Northeastern Luzon.
Maging ang U.S. Coast Guard (USCG) ay nagpadala na rin ng aircraft para sa air surveillance, ngunit hanggang sa oras na ito ay wala pa ring namamataang palatandaan ng lokasyon ng Taiwanese vessel.
Sa panig naman ng Taiwan, may walong vessel na rin silang ginagamit para sa naturang paghahanap.