-- Advertisements --

Sa gitna ng usaping politikal, muling nagpahayag ng suporta ang business community sa ekonomiya ng Pilipinas.

Sa isang pahayag, binigyang-diin nila ang matatag na financial system, stable na banking sector, at kumpiyansa ng mga kumpanya sa bansa.

Ayon sa kanila, patuloy na pinapanatili ng BSP at SEC ang mga regulasyong naaayon sa pandaigdigang pamantayan para sa integridad ng merkado, maingat na pamamahala, at proteksyon ng mga mamumuhunan.

Nanawagan sila sa gobyerno na pairalin ang policy stability, rule of law, at sugpuin ang korupsyon.

Sa kabila ng uncertainty, nagkakaisa ang private sector sa paniniwala sa potensyal ng Pilipinas.