Pinuri ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang Pilipinas at United States (US) sa pagpapalakas ng bilateral relations sa iba’t ibang larangan ng mutual interest, kabilang ang pagtutulungan sa pagbabago ng klima, pangangalaga sa kapaligiran, biodiversity conservation, at seguridad sa tubig.
Sa isang pahayag, sinabi ni Environment Secretary Maria Antonia “Toni” Yulo-Loyzaga na ang pagpupulong ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. kasama si US President Joe Biden sa White House ay nagresulta sa ilang bagong bilateral pledges at muling pinagtibay ang pananatili ng dalawang bansa.
Muling pinagtibay nina Marcos at Biden ang desisyon ng dalawang bansa na gumawa ng agarang aksyon upang mabawasan ang mga greenhouse gas emissions.
Nangako ang DENR at ang US Environmental Protection Agency na magtutulungan upang tugunan ang mga panganib sa kalusugan ng tao at sa kapaligiran na dulot ng pagkasira ng kapaligiran at pagbabago ng klima.