Sinimulan na ng Pilipinas at China ang ilang serye ng konsultasyon sa West Philippine Sea na may malaking papel sa pagtiyak ng diplomasiya sa pagitan ng dalawang bansa.
Ito ang unang physical foreign ministry consultations mula ng tumama ang covid-19 pandemic sa pagitan ng China at Pilipinas.
Sa opening session ng ika-23 Philippines-China Foreign Ministry Consultations (FMC) sa Maynila ngayong araw, kapwa umapela ang matataas na opisyal ng mga diplomats ng dalawang bansa para panatilihin ang firendly relations sa pagitan ng Pilipinas at China para sa benepisyo ng mamamayan.
Layunin nito na makapagtatag ng mutual understanding na napagkasunduan sa pagitan nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr at Chinese President Xi Jinping sa pagbisita ni Marcos noong Enero sa Beijing.
Bukas, araw ng Biyernes Marso 24, magsasagawa ang dalawang nasyon ng ika-7 Bilateral Consultations Mechanism sa West Philippine Sea.