Nangako ang Pilipinas at Cambodia na magtutulungan sa pagtugon sa mga isyu kaugnay sa illegal mines at explosives usage na nakakaapekto sa parehong bansa.
Ito ay kasunod ng pagkikita nina Department of National Defense chief Gilberto Teodoro Jr at Ambassador of Cambodia to the PH Phan Peuv para talakayin ang isyu, kilalanin ang panganib na dala ng illegal mines at explosives sa mga sibilyan at komunidad.
Sa naturang pagpupulong, inimbitahan ng Cambodian ambassador si Sec. Teodoro para dumalo sa Siem Reap-Angkor Summit on a Mine-Free World.
Hinimok naman ni Sec. Teodoro ang Cambodian envoy na palakasin ang kooperasyon ng 2 bansa pagdating sa cybersecurity at disaster risk reduction at iba pa.
Nirtipikahan din ng PH at Cambodia ang Convention of Cluster Munitions, isang international treaty na nagbabawal sa lahat ng paggamit, paglipat, paggawa at pagimbak ng cluster munitions gaya ng landmines.
Una rito, bunsod sa nagdaang civil wars, ang Cambodia ang isa sa most heavily land-mined countries habang ang PH naman ay nakikipagbuno sa routine usage ng Maoist guerilla ng command-detonated explosives.