-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Pinaigting pa ng tropang militar ang pagtugis sa umano’y nasa 10 hanggang 15 armadong kasapi na lang ng Dawlah Islamiyah-Maute terror group na napaatras patungong Lanao del Norte mula sa Lanao del Sur.

Sinabi sa Bombo Radyo ni Philippine Army spokesperson Col. Louie Dema-ala na layunin nito na tuluyan nang mapuksa at hindi makapaghasik kaguluhan ang mga terorista lalo ang panghihikayat ng mga bagong miyembro para labanan ang pamahalaan.

Inihayag ni Dema-ala na matapos umusbong ang kilusang terorismo sa nabanggit na mga probinsya ay higit-kumulang 100 terorista na ang nagsilbing neutralized nang binuhusan ng sapat na puwersa ng Armed Forces of the Philippines ang Mindanao.

Ginawa ng opisyal ang pahayag kasunod pagkapaslang ng kanilang tropa ng 103rd Infantry Batallion ang tatlong terorista sa Barangay Lindongan,Munai,Lanao del Norte noong nakaraang linggo.

Pag-amin nito na maliban sa pagkasawi ng terror members na sina Pabo Zainoden Radia alyas Musab;Firdaus Abubacar/Fariz nabawian din ang mga ito ng tatlong M-14 rifles,mga bala at personal na kagamitan.