-- Advertisements --
image 602

Tiniyak ng Department of National Defense (DND) na nakabantay sila sa mga sundalong aalis na sa sandatahan matapos mabunyag na marami sa mga suspek sa pagpaslang kay Negros Oriental Governor Roel Degamo ay dating mga sundalo.

Sa isang media forum sinabi ni Defense Spokesperson Arsenio Andolong na gumagawa na ng mga hakbang ang Philippine Army sa pamamagitan ng monitoring sa mga sundalo na magreretiro pa lang sa serbisyo, mga nagretiro na at mga nauna ng umalis sa kanilang lupon.

Sinabi din ni Andolong ang naging pahayag ni DILG Secretary Benhur Abalos na ang pagkakadakip at pagsuko ng mga suspek ay naging posible sa pamamagitan ng intelligence.

Tinukoy din ni Andolong na ang interventions gaya ng counseling, seminars at debriefing ay mahalaga sa mga retirado na o umalis na bilang sundalo na magiging isa ng ordinaryong mamamayan.

Kung maaalala, nasa tatlo umanong gunmen kabilang ang dating sergeant na na-discharge dahil sa pag-aamok at nag-absent without leave, isang dating seargent na umano’y sangkot sa iligal na droga at dating corporal na inakusahan ng misbehavior ang mga sangkot sa pagpaslang kay Governor Degamo at walo pang indibidwal

Top