Nagdeploy ang Philippine Army ng kanilang Humanitarian Assistance and Disaster Response Teams (HADR) sa BayBay City at Abulog,Leyte para tumulong sa search and retrieval operations para sa mga biktima ng landslide bunsod ng pananalasa ng Bagyong Agaton.
Ang HADR team ng Philippine Army ay binubuo ng 18-man team, na umalis nuong April 14 lulan ng PAF C-295 aircraft.
Ang HADR team ng Philippine Army ay binubuo ng 18-man team.
Ayon kay Philippine Army Spokesperson Col. Xerxes Trinidad, tutulong ang kanilang HADR teams sa pag clear ng landslide-hit roads, pamamahagi ng tulong sa mga pamilyang naapektuhan ng bagyo.
Lalo na ang pag rescue sa mga pamilyang stranded sa mga binahang komunidad.
Siniguro ni Col. Trinidad na hindi titigil ang mga sundalo sa pagtulong sa ating mga kababayan lalo na sa panahon ng mga sakuna.
Nuong April 15,2022, nakarekober ng cadaver ang HADR team ng Phil Army na natabunan ng lupa dahil sa landslide sa Baybay City.\
Nagsagawa din ang mga ito ng clearing operations lalo na ang mga landslide debris.
Bukod sa deployment ng 18-man HADR team mula sa Philippine Army headquarters, ang 8th Infantry Division na naka base sa Eastern-Visayas ay nag deploy din ng kanilang HADR teams.
Sa panig naman ng 546th Engineer Combat Battalion, nagpadala din ito ng search and rescue teams at HADR equipment sa mga landslide-hit barangays sa Baybay City at Mahaplag, Leyte.
Ang 63rd, 14th, 19th, 43rd, at 87th Infantry Battalions ay nagdeploy din ng kanilang mga response teams para tulungan ang mga kababayan natin na naapektuhan ng bagyo sa Baybay City.
Siniguro naman ni Phil Army Commanding General Lt. Gen. Romeo Brawner, Jr., ang tulong ng mga sundalo sa ating mga kababayan sa mga typhoon-stricken areas.
“Rest assured, the Philippine Army will continue to work ‘round the clock to help ease the suffering of our typhoon-stricken countrymen,” pahayag ni Lt.Gen. Romeo Brawner.