-- Advertisements --
image 482

Nakipagpulong ngayon ang Exercise Control Group ng Philippine Army contingent sa mga tauhan ng Australian Army sa Darwin, Australia.

Ito ay para sa isinagawang planning conference ng dalawang hukbo para sa idaraos na opisyal na pagbubukas ng CARABAROO 2023 Military Exercises sa pagitan ng Pilipinas at Australia.

Ayon PH Army Spokesperson Col. Xerxes Trinidad, layunin ng pagsasanay na ito na mas paigtingin pa ang interoperability, warfighting capabilities, at relasyon sa pagitan ng mga military forces ng dalawang bansa.

Dito ay inilatag ng mga opisyal ng 1st Brigade Combat Team, Training and Doctrine Command, at Headquarters Philippine Army sa pangunguna ni Exercise Director Col. Diosdado Carlos D. Pambid ang mga “groundwork” na gagampanan ng Philippine Army sa naturang pagsasanay.