Sineguro ng Department of Justice na gagawa umano sila ng paraan para mahanap lamang ang kasalukuyang nawawala pa ring 34 sabungero.
Sa isang panayam, ibinahagi ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na makatitiyak umano ang publiko na gagawin nila ang lahat upang maresolba ang naturang kaso.
Aniya’y pinag-aaralan na ng kagawaran ang mga hawak nitong impormasyon at patuloy ang isinasagawang ‘case buildup’ para mabuo ang detalye sa isyu ng kaso.
Dagdag pa niya na ito’y kanilang responsibilidad kaya’t kinakailangang mahanap at matukoy ang katotohanan sa likod ng pagkakawala ng mga sabungero, apat na taon ang nakalilipas.
Maalala na nito lamang nakaraan ay lumantad ang isang akusado na kinilalang si alyas ‘Totoy’ na ibinahaging pinatay ang mga biktima at inilibing sa Taal Lake ng Batangas.
Kaya’t ang Department of Justice ay inihayag na kinakailangan ng mga ‘technical divers’ upang ito’y makumpirma.
Nais umano kasi ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na matukoy ang katotohanan hinggil sa mga pahayag nito.