Bumuhos ang pakikiramay mula sa mga opisyal ng gobyerno sa nagsilbing Philippine Ambassador to China sa edad na 74.
Sa isang statement, kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang pagpanaw ni Philippine envoy Jose Santiago “Chito” Sta. Romana at nagpahayag ng pakikidalamhati sa kaniyang pamilya.
Bagamat hindi binanggit sa inilabas na statement ng DFA ang dahilan ng pagkasawi ni Ambassador Chito.
Magugunita na naitalaga si Sta Romania bilang top diplomat ng Pilipinas sa China noong December 2016 dahil sa kaniyang malalim na kaalaman sa kasaysayan ng bansang China at mamamayan nito.
Si STA. Romana ay isa ring award wiining journalist na nagsilbing Beijing bureau chief at nanirahan at nagtrabaho sa China mula 1989 hanggang sa kaniyang pagretiro noong 2010.
Ayon sa DFA, sa ilalim ng kaniyang panunungkulan bilang Ambassador ng bansa, gumanda at tumatag ang samahan ng Pilipinas at China sa kabila ng pagkakaiba.
Binigyang pugay din ng kagawaran ang mahalagang legacy na iniwan nito sa kaniyang pagseserbisyo sa mga Pilipino.
Nakikipag-ugnayan na ang Philippine Embassy sa Beijing sa local authorities para sa agarang repatriation ng mga labi ng ambassador.