-- Advertisements --

Nagabiso ang Philippine General Hospital (PGH) sa publiko hinggil sa limitadong kapasidad ngayon ng pagamutan dulot ng patuloy na renovation sa ilang pasilidad nito.

Pinayuhan ng PGH ang publiko na hangga’t maaari ay sa ibang ospital muna isugod ang kanilang mga kaanak na pasyente dahil inaayos pa rin ang emergency room at intensive care units ng pinaka-malaking pampublikong pagamutan sa bansa.

“Dahil sa mga isinasagawang pagsasaayos, nabawasan ang bilang ng mga pasyente na kayang matingnan at magamot sa ER at ICU.”

Humingi ng paumanhin ang mga opisyal ng ospital dahil sa kasalukuyang sitwasyon.

“Humihingi po ng pang-unawa at paumanhin ang pamunuan ng PGH sa kasalukuyang sitwasyon. Maaari pong sumangguni muna sa ibang ospital.”

Batay sa record ng PGH aabot sa 600,000 pasyente ang kanilang nase-seerbisyuhan kada taon.